-- Advertisements --

Dismayado ang environmental watchdog EcoWaste Coalition sa pagkalat ng mga posters na nakalagay sa mga ipinagbabawal na lugar matapos na pormal nang nagsimula ang kampanya sa local candidates noong weekend.

Umapela ang grupo sa mga kandidato at mga tagasuporta ng mga ito na gumamit ng environment-friendly na propaganda materials.

Sa isang statement, sinabi ni EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero na hayagang paglapastangan sa election rules ang paglalagay ng campaign materials sa mga prohibited areas.

Iginiit ni Lucero na hindi rin ito maganda para sa natatamasang demonkrasya at maging sa kalikasan.

“Also, illegal posters, which are mostly plastic-based, contribute to campaign garbage that can pollute the environment long after the election is over,” saad ni Lucero.

Nitong weekend lang, may natanggap na mga sumbong ang EcoWaste Coalition mula sa kanilang mga Basura Patrollers hinggil sa mga election posters na nakalagay sa mga kahoy, poste, traffic signage, at maging sa mga tulay.

Nabatid na sa ilalim ng COMELEC Resolution 10488, ipinagbabawal ang paglalagay ng mga campaign materials sa mga “public places.”