Muling nagbabala ang environmental group na EcoWaste Coalition sa publiko hinggil sa pagtangkilik at pagbili ng lucky charm bracelets.
Ayon sa grupo , ilan sa mga pampaswerteng ito ay naglalaman ng mga nakalalasong kemikal.
Batay sa isinagawang monitoring ng grupo, lumalabas na mabibili ang mga ito P25- P75 kada piraso.
Lumalabas sa pagsusuri na ito ay nagtataglay ng mataas na lebel ng toxic metals.
Sa 17 mula sa 23 charm bracelets kabilang ang mga Pi Yao na isinailalim sa analyzer, naglalaman ito ng mataas na concentration ng cadmium.
Paliwanag ng Ecowaste, mapanganib sa kalusugan ang matagal na cadmium exposure.
Ito rin ay maaaring magdulot ng malalang sakit tulad ng cancer.
Kaugnay nito , hiniling ng Ecowaste sa mga jewelry maker na gumamit ng non-toxic substitutes sa kanilang mga ibinebenta para hindi ito makapinsala sa mga mamimili.