-- Advertisements --

Mahigpit na pag-aaralang mabuti ng gobyerno ang pagpapalawig ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) at sa apat na karatig na probinsiya.

Sinabi ni Naitonal Task Force Against Covid-19 (NTF) chief at vaccine czar Carlito Galvez Jr na mangyayari lamang na tumagal pa ang ECQ kapag hindi bumaba ang bilang ng kaso ng COVID-19.

Dagdag pa nito na bukas sila na sundin ang suhestiyon ng mga eksperto na gawing 2 linggo ang pagpapalawig dahil iyon aniya ang inoculation period ng virus.

Sakaling hindi pa bumaba ang kaso sa kasalukuyang ECQ ay kailangan na makumpleto ang 14-days na inoculation period.

Nagpahayag din ng pangamba si NTF medical adviser Ted Herbosa na kapag binuksan na agad ang ekonomiya sa Abril 4 ay baka lalong tumaas ang kaso ng COVID-19.