CAUAYAN CITY- Kinumpirma ng City Veterinary Office na ASF free pa rin ang Cauayan City at tanging mga karaniwang sakit lamang ng mga hayup ang kanilang naitala sa mga nagdaang linggo.
Ayon sa pahayag ni Dr. Ronald Dalauidao ng City Veterinary Office sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, wala pa silang naitatalang ASF cases sa lungsod.
Tanging mga karaniwang sakit lamang umano ang kanilang naitatala,tulad ng mga hayop na nakaranas ng pagtatae at mga hayop na nadehydrate na hindi agad kinukonsulta sa kanilang tanggapan.
Bihira lang naman umano ang mga ganitong kaso at karamihan din nilang naitala ay mga hayop na napabayaan lamang ng may-ari kaya inatake ng heat stroke dahil sa mainit na panahon.
Patuloy pa rin naman ang kanilang paglalatag ng ASF checkpoints para matiyak na walang mga baboy na positibo sa ASF ang makakapasok sa kalunsuran
Dagdag pa ni Dr. Dalauidao malaking tulong din lockdown dahil sa COVID 19 upang mapigilan ang pagkalat ng ASF sa lugar dahil nalimitahan ang mga papasok sa lungsod.