KALIBO, Aklan – Bagamat tatanggalin na ang umiiral na Enhanced Community Qauarantine (ECQ) sa Barangay Balabag at surgical lockdown sa Purok 1 at 7 sa Barangay Manocmanoc sa isla ng Boracay mamayang alas-11:59 ng gabi, Abril 14, 2021, naglatag pa rin ang lokal na pamahalaan ng Malay ng mas mahigpit na patakaran.
Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista sa pagtanggal sa ipinapatupad na quarantine classification sa naturang mga lugar, dapat lalong ugaliin ng publiko ang palagiang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face masks at face shield, pag iwas sa maraming tao at social distancing.
Bawal pa rin ang operasyon ng mga bars, restaurants at food parks na may mga live shows at music gayundin ang sabong at non-essential gatherings.
Mananatili pa rin ang curfew hours sa buong isla simula alas- 11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.
Limitado rin sa 30% ng seating capacity ang papayagang dumalo sa mga misa sa simbahan.
Ang naturang mga lugar ay ibabalik na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).