ZAMBOANGA CITY – Mananatiling nakasailalim sa enhanced community quarantine ang lungsod ng Zamboanga dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sa isang Facebook post, sinabi ni Mayor Beng Climako na tatagal pa ng hanggang Mayo 15, 2020 ang umiiral na enhanced community quarantine sa base sa isang memorandum mula Malacañang.
Nabatid na umakyat na sa 60 ang ang COVID-19 cases sa Zamboanga City.
Isang 62-anyos na babae sa Zamboanga City Jail ang ika-60 COVID-19 patient sa lungsod.
Binawian ito ng buhay noon pang Abril 30 at nitong Mayo 3 lamang ang lumabas ang resulta sa test na isinagawa rito kung saan nagpositibo siya sa COVID-19.
Samantala, dahil pinalawig pa ang enhanced community quarantine, suspendido pa rin ang mga flights papasok at palabas ng lungsod.
Mahigpit din ang implementasyon nang paggamit ng quarantine pass.