Nagdeklara ng state of emergency sa mga bilangguan ang pangulo ng Ecuador kasunod ng madugong riot sa pagitan ng mga miyembro ng gang groups sa Litoral Penitentiary na nagresulta sa pagkasawi ng 116 katao at 80 sugatan.
Lumalabas na nasa limang katao ang pinugutan ng ulo habang ang iba naman ay binaril.
Sa idineklarang state of emergency ni President Guillermo Lasso, may otoridad ang gobyerno na magdeploy ng mga police at sundalo sa loob ng mga bilangguan.
Inilabas ang naturang direktiba isang araw matapos ang nangyaring karahasan sa bilibid sa Guayaquil kung saan pinaniniwalaang ipinag-utos ng maimpluwensiyang Mexican drug trafficking gangs na nag-o-operate ngayon sa Ecuador.
Ayon kay police commander Fausto Buenaño naghagis ang mga bilanggo ng granada kung saan nasa 400 police officers ang dineploy.
Inanunsiyo naman ngayong araw ni Ecuador’s prisons service director Bolivar Garzón na nakontrol na nila ang sitwasyon sa lugar kung saan marami pa aniyang mga narekober na bangkay sa may pavilion na pinangyarihan ng riot.
Ito na ang itinuturing na pinakamalalang karahasan na nangyari sa bilangguan sa kasaysayan ng bansa. (with reports from Bombo Everly Rico)