-- Advertisements --
image 284

Tuluyan nang binawian ng buhay ang matandang Ecuadorian na babae matapos itong mapabalitang gumising sa loob ng kanyang kabaong habang siya ay pinaglalamayan.

Sa isang video na nai-post online, makikita ang babaeng kinilala bilang si Bella Montoya, 76 anyos, sa loob ng kaniyang kabaong na malalim na humihinga.

Ayon sa anak nito na si Gilbert Balberan, hinahampas raw ng kanyang ina ang kabaong gamit ang kaliwang kamay nito kaya naman agad nila itong tinulongan buhatin para ilipat sa ambulansya at isugod sa ospital.

Matapos naman itong dalhin sa ospital ay agad itong nilagyan ng oxygen, ayon kay Balberan. Kinurot pa raw ng doctor ang kamay nito at nag nag-react naman ang ina. Naging stable na rin daw ang tibok ng puso nito na nangangahulogang nabuhay ito ulit.

Una na rito, base sa Health Ministry ng Ecuador, si Montoya ay na-admit sa ospital at hinihinalang na stroke at nagresulta naman sa cardiorespiratory arrest nang hindi ito tumugon sa resuscitation maneuver kaya naman una nang idineklara ito ng mga doctor na patay.