-- Advertisements --

Nagsama sina Ed Sheeran at Prince Harry sa isang video para sa awareness ng World Mental Health Day.

Sa official Instagram account ng Sussex Royal, makikita ang video ng dalawa habang tinatalakay ang mental health.

https://www.instagram.com/p/B3bZfCSJlFd/

Hinikayat ng dalawa na tulungan agad ang mga indibidwal na dumaranas ng nasabing kondisyon.

Ayon kay Prince Harry na isang mahalagang usapin ang nasabing mental health dahil dumarami na ang dumaranas nito sa buong mundo.