-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ni Ed Sheeran na malapit na itong maging ama.

Sa kaniyang Instagram, nagpost ito ng larawan kasama ang asawang si Cherry Seaborn ang nalalapit na pagsilang ng kanilang unang anak.

Hindi maipaliwanag ng singer ang kaniyang kasiyahan at kasabikan at itinuturing umano ito na isang mahalagang regalo.

Pinili ng dalawa na maging pribado at nanatili sila sa loob ng kanilang bahay sa Suffolk, England dahil sa lockdown.

Magugunitang ikinasal ang 29-anyos na singer at asawa nitong 28-anyos noong 2018 sa isang pribadong seremoniya.