-- Advertisements --

Hindi maipaliwanag ang kasiyahan ng singer na si Ed Sheeran sa pagsilang ng unang anak nila ng asawang si Cherry Seaborn.

https://www.instagram.com/p/CEliNEOBw3O/

Sa kaniyang social media account, ipinakilala ng “Shape Of You” singer ang malusog na baby girl.

Pinangalanan nila itong si Lyra Antartica Seaborn Sheeran.

May caption ito na lumulutang ang singer sa ulap dahil sa labis na kasiyahan.

Magugunitang naging pribado ang relasyon ng dalawa hanggang kinumpirma nila ang kanilang pagpapakasal noong Hulyo 2019.