-- Advertisements --
Ed Sheeran
Ed Sheeran / IG post

Inanusiyo ni Ed Sheeran na siya ay magbabakasyon ng halos dalawang taon.

Ito ay matapos ang isagawang 260 concerts sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Dagdag pa ng British pop star na mga 18 buwan itong titigil muna sa paggawa ng concerts.

Pinawi nito ang pangamba ng fans at tiniyak na siya ay magbabalik.

Itinuturing kasi ang kaniyang “Divide” tour bilang highest grossing concert tour of all time na naungusan ang “360” concert ng U2.

Ilan sa mga pinasikat na kanta nito ay “Perfect” , “Shape of You” at maraming iba pa.