-- Advertisements --

Nagbigay ng aabot sa $1.24 million bilang donasyon sa paglaban sa coronavirus ang singer na si Ed Sheeran.

Ibinigay ng singer-songwriter ang tulong sa iba’t-ibang local charities at children’s hospital ward sa Ipswich, Suffolk sa United Kingdom kung saan ito nakatira.

Hinati niya ang ibang pera sa mga charities na tumutulong sa mga naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Isa lamang ang nasabing singer sa maraming mga singer ang nagbigay ng tulong o donasyon sa mga frontliners na lumalaban sa nasabing pandemic.