-- Advertisements --
Ilang libong katao ang nanood sa Global Citizen festival.
Ginanap ang 24-hour concert para labanan ang climate change, vaccine inequality at kagutuman sa New York, London at Seoul.
Ilan sa mga napiling magtanghal ay ang singer na si Ed Sheeran, Lizzo, Jennifer Lopez, Billie Ellish, Coldplay at K-pop group na BTS.
Itinuturing na ito na ang pinakamalaking international charity events na inorganisa ng Global Citizens.
Ayon sa Global Citizens na nananawagan sila sa mga bansa na magtanim ng 1 bilyong punong kahoy, magbigay ng 1 bilyong bakuna sa mga mahihirap na bansa at magdonate ng pagkain sa 41 milyong katao na nasa binggit ng kagutuman.