-- Advertisements --
ED SHEERAN
Ed Sheeran/ IG post

Napili ng actor na si Daniel Craig si Ed Sheeran na kakanta sa pang-lima at huling pagganap nito bilang James Bond 007.

Sinabi ng actor na dahil paborito ng anak nitong babae ang mga kanta ni Sheeran kaya minabuti niya na kunin ito.

Hindi lamang kasi bida ang actor sa pelikula at sa halip ay producer din siya sa huling pagganap niya sa iconic role na James Bond.

Daniel Craig james bond
Actor Daniel Craig (007 photo)

Malugod namang tinanggap ni Sheeran ang pagpili sa kaniya ni Craig, 51, dahil mula pa noon ay talagang nais niyang gumawa ng awitin sa nasabing pelikula.

Si Sheeran, 28, na isa ring record producer at actor ay tinatayang nakapagbenta na ng 150 million records worldwide.

Kinikilala ito bilang isa sa “world’s best-selling music artists.”