-- Advertisements --

Sinorpresa ni Ed Sheeran ang kaniyang mga fans habang ito ay nasa supermarket.

Kakaibang authograph ang ginawa ng British singer sa kaniyang mga fans dahil ang ginamit nito ay hot sauce.

Pumila ang mga fans nito sa Sainsburry sa Hertfordshire para magpapirma sa Grammy Award-winning singer.

Ipinopromote kasi ng singer ang kaniyang hot sauce brand na Tingly Ted’s.

Ilan sa mga pinapirma ng mga fans ay ang mga tinapay, cheese, tisyu at pati ang broccoli.

Binigyan din ang mga fans ng pizza para matikman ang hot sauce ng singer.