Magsasagawa ang concert ang English singer na si Ed Sheeran sa Kingdom of Bhutan.
Itinuturing na siya lamang ang unang Western singer na magsasagawa ng concert sa Bhutan.
Gaganapin ito sa Enero 24, 2025 sa Changlimithang Stadium sa Thimphu ang capital ng Bhutan.
Sa social media account nito ay bumati siya ng “Kuzuzampola!” o “hello” sa salitang English.
Noong dekada 70 ng simulan ng Buddhist monarchy na Bhutan ang pagbubukas nila sa mundo.
Ang mga turista na nais na bumisita doon ay pinagbabayad ng $100 kada araw bilang suporta sa mga Bhutanese public education.
Matatagpuan ito sa pagitan ng China at India kung saan pinapanatili nito ang pagiging low profile sa international.
Bago ang concert sa nasabing stadium ni Sheeran ay huling kaganapan ang isinagawa doon ay ang kasal nina King Jigme Khesar Namgyel Wangchuck at Queen Jetsun Pema noong 2011.
Noong 2003 ay isinagawa sa stadium ang “The Other Final” na isang soccer match sa pagitan ng Bhutan at Montserrat para malaman ang pinakambabang ranking ng FIFA na national team.
Nagwagi noon sa laban ang Bhutan sa score na 4-0.