-- Advertisements --

Itinaas na ng International Skating Union (ISU) ang edad ng mga skaters na maaring makilahok sa anumang kompetisyon.

Ayon kay ISU president Jan Dijkema na bumot ang 100 bansa na miyembro nila na dapat ay nasa edad 17 ang kalahok sa anumang international competitions.

Ang nasabing pagbabago ng edad ay pakonti-konting maipapatupad sa mga susunod na taon.

Makakatulong aniya ito sa paghubog ng mental at physical ng isang skaters.

Isinagawa ang desisyon matapos ang Beijing Winter Olympics drugs scandal matapos na hindi pumasa sa drug test ang 15-anyos na Russian figure skater na si Kamila Valieva.