-- Advertisements --

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang malaking papel at kahalagahan ng EDCA sites sa bansa.

Sa pagpupulong kasama si US Defense Secretary Lloyd Austin sa Malakanyang , sinabi ng pangulo na mas nagawa ng gobyerno ng Pilipinas ang kanilang trabaho sa tulong ng EDCA sites at ng tropa ng Amerika.

Ayon sa Pangulo, nagsisilbi kasing staging area ang sa EDCA sites para sa pre positioning ng assets, materials and relief supplies.

Sa EDCA sites aniya nanggagaling ang mga air asset na ginagamit para sa pagdadala ng relief goods at pagtantiya sa pinsalang iniwan ng mga bagyo.

Marami kasing mga kalsada ang sarado at hindi madaanan dahil sa mga pagbaha at landslides kaya tanging mga helicopter lamang mula sa edca sites ang nakararating sa mga isolated barangays.

Kaya nais ng Pangulo na kaniyang ipaunawa sa lahat kung gaano kalaki ang tulong ng edsa sites sa pagharap ng bansa sa mga epektong dala ng climate change.