Nilinaw ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na ang mga EDCA sites o base militar ng Pilipinas kung saan may access ang tropa ng mga Amerikanong sundalo sa illaim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement ay hindi military bases ng Amerika.
Ayon pa sa US envoy, ang mga base militar ng Pilipinas na pinondohan at naglagak ng kapital ang Amerika para sa improvements na magbebenipisyo pareho sa militar ng Pilipinas at Amerika sa mga pagkakataon na magkaroon ng banta ng isa man o sa dalawang miyembro ng mutual defense treaty alliance.
Nang tanungin ang US envoy kung maaaring magamit ang EDCA sites para sa offensive operations, sinabo ni Carlson na ang nasabing mga pasilidad ay posibleng magamit kapag inalok ito mismo ng gobyerno ng Pilipinas.
Inihayag pa ng US envoy na hindi nila pagmamay-ari ang mga EDCA sites sa bansa at wala silang karapatan sa mga ito.
Matatandaan na sa ilalim ng 2014 EDCA, nabigyan ng access ang US forve sa 5 military bases ng Pilipinas at kalaunan nitong Pebrero sa ilalim ng bagong administrasyon ni Pres. Marcos Jr., pinalawig pa ito sa 9 na EDCA sites sa layong ma-counter ang umiigitng na maritime assertiveness ng China sa sel-governed country na Taiwan at pagtatayo ng artificial island o bases ng China sa may West Philippine Sea.
Kabilang sa bagong EDCA sites ay ang isang malapit sa pinagaagawang karagatan at nag isa naman ay dikalayuan mula sa Taiwan na nakabase sa Naval Base Camilo Osias sa Santa Ana, Cagayan, Lal-lo Airport in Lal-lo, Cagayan, Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela at Balabac Island sa Palawan.