-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nalagay lang umano sa panganib ang pang-kalahatang seguridad ng Pilipinas dahil sa presensiya ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites na patatakbuhin ng tropang Amerikano.

Ito ang matapang na kuru-kuro ng isang geopolitical analyst na nakabase sa Amerika na si Professor Anna Malindog-Uy patungkol sa pinakalas na defense capabilities ng Pilipinas sa pamamagitan ng siyam na EDCA sites na kabilang ang Lumbia Air Base ng Cagayan de Oro City.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Uy na nagsilbi lang proxy war location ang Pilipinas kung sakaling sisiklab ang digmaan sa rehiyon ng Asya-Pasipiko sa pagitan ng Estados Unidos at ilang kaalitan na bansa.

Sinabi ng propesor na ito kumbinsido sa iginiit ng gobyerno na magbigay ng oportunidad at trabaho sa local residents ang EDCA sites dahil pansamantala lang naman ito sa Pilipinas.

Magugunitang noong Nobyembre nitong taon ay dinalaw ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr ang EDCA site ng syudad na sinabing headquarters ng 15th Strike Wing ng Philippine Air Force katuwang ang itatayo rin na naval base ng Philippine Navy sa loob ng Phividec Industrial Authority na nakabase sa Tagoloan,Misamis Oriental.