Tinanghal bilang best actress ng 42nd Gawad Urian si Nadine Lustre.
Ito ay dahil sa pagganap niya sa “Never Not Love You”.
Nahigitan niya sina Anne Curtis na may dalawang nomination sa pelikulang “BuyBust” at “Sid & Aya: Not a Love Story”, Bela Padilla, Glaiza de Castro, Celeste Legazpi, Iyah Mina, Pokwang, Perla Bautista, Maribeth Fanglayan at Ai-Ai delas Alas.
Napili naman bilang best actor si Eddie Garcia sa pagganap nito sa pelikulang “ML”.
Ang nasabing pelikula ay may tema noong Martial Law.
Tinanggap ni ‘ML’ Director Benedict Mique ang award at binasa niya ang mensahe ng pamilya nito.
Ito na ang pangatlong beses na nabigyan ng award ang beteranong actor sa nasabing award giving body.
Una ay noong 2000 bilang best actor sa pelikulang “Deathrow” at noong 2006 na nabigyan ng LIfetime Achievement Award.
Narito naman ang mga listahan ng nanalo sa 42nd Gawad Urian Award.
Best Film: “BuyBust”
Lifetime Achievement Award : Gloria Sevilla.
Best Supporting Actor : Joel Lamangan sa pelikulang ‘School Service’.
Best Supporting Actress: Cherrie Gil – Citizen Jake
Best Director : Denise O’Hara – Citizen Jake
Best Director: Denise O’ Hara – Mamang
Best Documentary: Sa Palad ng Dantaong Kulang
Best Short Film: Shaira Advincula – Tembong
Best Screenplay : Rody Vera – Signal Rock
Best Cinematography – Neil Bion – BuyBust
Best Production Design: Michael Espanol at Roma Regala – BuyBust
Best Editing : May-I Gula Padilla- Tanabata’s Wife
Best Music : Malek Lopez at Erwin Romulo – BuyBust
Best Sound: Malek Lopez and Erwin Romulo – Never Tear Us Apart.