(Update) Nilinaw ng kampo ni Eddie Garcia na hindi atake sa puso ang dahilan kung bakit nasa kritikal pa ring kondisyon ang 90-year-old veteran actor.
Sa statement nitong Linggo ng hapon mula kay Dr. Enrique Lagman, ang family doctor nila Manoy, severe cervical fracture ang dinanas ni Eddie.
“The doctors ruled out the first heart attack and stroke prognosis made at around 2pm, after those were disproven by several validating tests done in Mary Johnston Hospital later in the evening,†bahagi ng statement na ipinadala ni Bibeth Orteza na mabuting kaibigan ni Garcia.
Sa ngayon ay patuloy ang apela ng pamilya ni Eddie na ipagdasal ang mabilis na paggaling ng multi-awarded actor.
Una rito, iba’t ibang ispekulasyon ang nagsilabasan matapos umanong matumba si Eddie sa gitna ng taping sa Tondo, Maynila, kahapon.
Sa panig ng GMA-7 na siyang may hawak ng kasalukuyang programang kinabibilangan ni Manoy, kanila na raw nire-review ang kumakalat na video sa internet kung saan makikitang nag-collapse ito.
Taong 2012 o 83-anyos pa lamang noon ang multi-awarded actor nang maging bukas sa usapin hinggil sa kamatayan kung saan kanyang inihabilin na siya ay agad i-cremate.
Kasabay ito ng special screening sa Toronto International Film Festival ng pelikula niyang “Bwakaw†na patungkol sa isang matandang bading na matagal nang pinaghahandaan ang kanyang kamatayan.