Nakapasa na sa subcommittee level ng House of Representatives ang Actors Occupational Safety and Health Bell o tinawag na “Eddie Garcia Law”.
Sinabi ni 1-PACMAN party-list Rep. Michael Romero, ang co-author na naghain ng panukalang batas, na posibleng mabilis na itong maaprubahan sa komite bago tuluyang maipasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa.
Stepson kasi si Romero ng yumaong actor.
Magugunitang pumanaw ang 90-anyos na actor ng ito ay mapatid sa set ng ginagawa nitong TV drama.
Nakasaad sa panukalang batas na dapat hanggang 8-12 oras lamang ang oras na trabaho ng mga artista at mga crew.
Kapag may mangyaring aksidente, sasagutin ng kumpanya ang lahat ng mga gastusin ng empleyado sa pagamutan at maging ang mga mawawalang pera dahil sa kawalan ng trabaho bunsod ng aksidente.