-- Advertisements --

Bibigyan ng lifetime achievement honor ng Golden Globes ang komediyanteng si Eddie Murphy.

Nakakuha ng malaking boto kasi ang komedyante sa Hollywood Foreign Press Association kaya mararapat aniya na ito ay bigyan ng Cecil B. DeMille award.

Kinikilala nila ang naging kontribusyon ng komedyante sa larangan ng entertainment.

Ang 61-anyos na actor ay kabilang sa sketch show na “Saturday Night Live” at ilang mga pelikula gaya ng “Beverly Hills Cop”, “The Nutty Professor” at “48 Hours”.

Ilan sa mga nagdaang nabigyan ng nabanggit na awards ay sina Oprah Winfrey, Meryl Streep, Sophia Loren, Tom Hanks, Jane Fonda at Robert De Niro.

Gaganapin ang pagbibigay ng parangal sa darating na Enero 10.