-- Advertisements --

Masayang ipinamalita ng actor na si Eddie Murphy ang paggawa nila ng pelikulang “Coming 2 America”.

Ang nasabing pelikula ay siyang karugtong na kaniyang ginawa noong 1988.

Kung noon ay nagtungo ito sa New York para paghandaan ang pagiging hari nito sa bansang Zamunda.

Sa bagong pelikula ay mayroon na itong tatlong anak na babae at dahil kailangan ng lalaki para pumalit sa kaniyang ay nadiskubre niya na mayroon pala itong anak na lalaki sa New York.

Magtutungo muli ito sa Queens, New York para makita ang anak na lalaki na papalit sa trono nito.

Makakasama rin sa nasabing pelikula ang anak na babae ng actor na si Bella Murphy.

Kuwento pa ng 59-anyos na si Murphy na kakaiba ngayon ang nadarama niya sa paggawa ng pelikula lalo na at kasama ang anak.