Maagang pinaalalahanan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga mananakay EDSA Bus Carousel na maaring hanggang sa katapusan na lamang ng taong ito ang kanilang libreng sakay.
Ayon sa DOTr na malapit ng maubos ang nasabing pondong inilaan nila para sa libreng sakay ngayong taon.
Dahil sa pagtatapos ng nasabing programa ay posibleng maniningil na ng pamasahe ang mga nakatalagang bus.
Magugunitang noong Abril ay sinimulan ang EDSA Bus Carousel para maibsan ang dami ng mga empleyado na hirap makahanap ng masakyan dahil sa limitadong bilang ng mga pinapayang sumakay sa MRT at mga ordinary bus.
Kinuha ng DOTr ang mga bus bilang tulong na rin sa mga drivers at conductor na hindi nahinto ang trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.
Katuwan ng nasabing program ang Service Contracting Program ng Land Transportation Franchising and Regulator Board (LTFRB).
Magkakaiba naman ang pananaw ng mga mananakay sa pagtatapos ng EDSA Bus Carousel kung saan marami ang nalungkot habang ang iba naman ay pinuri ang DOTr dahil sa maagang abiso para sila ay makapaghanda sakaling magsimula ng maningil ang mga bus operator.