-- Advertisements --

Matagal-tagal ang titiisin ng mga commuters dahil aabot ng dalawang taon ang major rehabilitation ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) base Department of Public Works and Highway (DPWH) ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes.

Ayon kay Artes, long overdue na kase ito at kinakailangan nang simulan.

Una nang iniulat na ngayong Abril 2025 magsisimulang magbaklas ang DPWH sa kahabaan ng EDSA. Wala pang ibinigay na eksatong petsa ang MMDA kung kailan pero asahan daw ng publiko na i a-anunsyo nila sa mga susunod na araw ang kanilang mga preparasyon at adjustments ng mga byahero.

Ayon pa kay Artes, 50 taon na ang nakakalipas simula noong huling major rehabilitation sa EDSA at sa kasalukuyang design nito ay hindi na nito kaya ang volume at bigat ng mga sasakyan.

Sa katunayan, hindi na rin matatawag na rehabilitation dahil total replacement ang gagawin sa EDSA ayon kay Artes.

Tiwala naman ang MMDA na sa oras na matapos ang rehabilitation ay mawawakasan na ang problema sa lubak-lubak na daan na nagpapabagal sa trapiko at kadalasang nagiging dahilan rin ng aksidente.

Pagtitiyak pa ng MMDA sa publiko, nakahanda ang kanilang mitigating measures sa panahon ng pagsasaayos ng EDSA.