-- Advertisements --

Naingat bilang national srhine ang status ng tatlong Simbahang Katolika sa bansa.

Pinangunahan ito ng Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace o kilala bilang EDSA Shrine , Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto at Diocesan Shrine of Our Lady of Aranzazu.

Isinagawa ang pag-angat ng estado ng nasabing mga simbahan matapos ang 129th plenary assembly ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines na dinaluhan ng mahigit 70 Obispo sa Sta. Rosa, Laugna.

Ang EDSA Shrine at Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto ay nasa ilalim ng Archdiocese ng Manila habang ang Diocesan Shrine of Our Lady of Aranzazu ay sa ilalim ng Diocese of Antipolo.

Itinayo ang EDSA Srhine noong 1989 bilang pag-alala sa Pebrero 25, 1986 people power revolution.

Ito rin ang lugar na isinagawa ang 2001 rally na nagresulta sa pagpapaltsik kay dating Pangulong Joseph Estrada.

Ang Loreto Church sa Sampaloc District ay makikita doon ang centuries-old na imahe ng Virgin Mary bilang Our Lady of Loreto ito rin ang tanging simbahan sa bansa na inialay sa mga Marian ang titulo.

Habang ang Aranzazu Shrine sa San Mateo, Rizal ay may mayamang kasaysayan na noong 1596 ay unang nanirahan ang mga Augustinian friars.

Ayon pa sa CBPCP an ang pagdeklara na maging national shrine ang isang simbahan at ito ay maituturing na sagradong lugar na kinikilala ng Simbahang Katolika dahil sa pagiging makasaysayan, spiritual at mayroong cultural significance.

Kadalasan ito ay kinikilala dahil sa pagkakaroon ng sikat na debosyon, mayroong mahalagang religious events, miracles o apparitions.