-- Advertisements --

Naniniwala ang baguhang aktor na si Nio Trio na magiging “close” sila ng TV host na si Luis Manzano sa hinaharap.

Ito’y matapos muling magkaharap ang dalawa ngunit sa pagkakataong ito ay magkarelasyon na ang kani-kanilang mga magulang.

Ang 40-year-old comedian ay anak ni Edu Manzano sa Star For All Seasons na si Vilma Santos, habang ang 18-year-old actor ay anak ni Cherry Pie Picache sa dating partner at cinematographer na si Gary Tria.

Luis and Nio

“Actually, first time naming (ni Luis) mag-meet today. I met him before kasi, my mom guested sa “Deal Or No Deal” I think, around five, six years ago, and now’s the only time I get to meet him again,” saad ng neophyte actor.

Nagpakita mismo sina Cherry Pie, Edu, at Luis sa Zoom media conference ng ABS-CBN Entertainment kung saan kasama sa humarap sa press si Nio bilang bahagi ng “Saying Goodbye” cast.

Sa isang bahagi ng media conference ay kumaway sina Cherry Pie at Edu habang naka-on cam si Nio sa press conference.

May pagkakataon din na ang mag-amang Edu at Lucky naman ang nagpakita sa camera na nasa likod ni Nio.

Nabatid na wala pang direktang pahayag ang 51-year-old actress mula nang umamin umano si Edu na sila ay real life “love birds,” bagama’t nagpo-post din naman ng sweet pictures nila.

Sa latest update ng 66-year-old actor, kuha sa Thanksgiving celebration sa Amerika ang family picture ng kanyang angkan kung saan agaw-pansin ang pag-holding hands nila ni Cherry Pie.