Hindi inalintana ng beteranong actor na si Edu Manzano ang pag-disqualify sa kanya ng Comelec at itinuloy pa rin ang pagboto sa Xavier School sa San Juan City.
Ang actor-politician ay tumatakbo sa pagka-congressman sa lungsod ng San Juan.
Kabilang sa mahigpit na kalaban ni Manzano ay ang bigating politiko na si Rep. Ronnie Zamora.
Una nang deniklara ng Comelec ang pagiging American citizen ni Manzano.
Ang mga magulang niya ay mga Filipino kung saan ipinanganak siya sa San Francisco, California noong taong 1955.
Ayon sa Comelec hawak daw ng aktor ang pagiging “citizen of the Philippines and of the United States of America.”
Paliwanag naman ni Manzano nag-abiso na siya sa US embassy na bibitawan na ang kanyang US citizenship dahil kakandidato siya.
Pero aminado ito na hindi pa siya dumaan sa proseso ng pagpirma sa oath of renunciation.
Nagsilbi na rin ito sa US military bago naging aktibo sa pagiging artista sa Pilipinas.