Kailangan umanong dagdagan hang 6% ng Gross domestic product ang pondo para sa edukasyon ng bansa bilang tugon sa kakulangan sa mga silid-aralan.
Ayon kay House Deputy Minority leader and ACT Teachers party-list Rep. France Castro ito ang pinaka essence ng House Bill 1783 o ang Education as Priority in the National Appropriations (EDNA) Act.
Noong katapusan ng taong 2022 nakapagtala ng 165,000 classroom backlog kaya sa ngayon ay naghahanap ang Department of Education ng ibang source of fund para mapunuan ang kakulangan dito.
“While the initiative of donors both private and foreign are welcome the Marcos-Duterte administration must not rely on these and make it their strategy to beg for donations for our children because it is one of the government’s primary duty to fund the education of Filipino children,” ayon kay Rep. Catro.
Dagdag pa niya, edukasyon ang dapat na pangunahing pagtuonan ng pansin ng pamahalaan at dapat na paglaan ng pondo.
Kung matatandaan umano, simula taong 2010 hanggang 2019 nasa halos 2.2% hanggang 3.6% lamang ng Gross domestic product ang nakalaan sa pondo ng edukasyon ngunit sa katunayan raw kung pagbabasehan ang United States standard para sa edukasyon ay kailangang nasa 6%.
Nananawagan naman ang mambabatas na mapakinggan ng administrasyong Marcos-Duterte ang kanyang hinaing pagdating sa sektor ng edukasyon.