-- Advertisements --
Sinibak sa puwesto ang education minister ng Madasgascar dahil sa plano nitong pagbili ng $2-milyon halaga ng lollipops para sa mga mag-aaral.
Balak sana ni Rijasoa Andriamanana na bigyang ng tig-tatlong piraso na lollipop ang mga mag-aaral para maibsan ang pait na panlasa mula sa herbal remedy para sa coronavirus.
Ang nasabing paraan aniya ay kinontra ni Madagascar President Andry Rajoelina.
Isinusulong kasi ng pangulo ang herbal tonic Covid-Organics bilang gamot sa COVID-19.
Maraming mga bansa kasi sa Africa ang gumagamit ng nasabing Covid-Organics na mariing kinokontra ito ng World Health Organization (WHO).
Aabot kasi sa mahigit 1,000 na ang kaso ng coronavirus ang naitala sa bansa kung saan pito na ang nasawi.