-- Advertisements --

taguig1

Namahagi ang pamahalaang lokal ng Taguig ng mga “New Normal Education Package” para sa mga estudyante sa lahat ng mga pampublikong paaralaan ng siyudad sa pagbubukas ng klase ngayong araw Sept. 13,2021.

Patunay ito na sa kabila ng pandemya na nararanasan ng bansa ngayon, nananatiling naka pokus ang Taguig local government sa edukasyon.

Ayon kay Dr. George Tizon, Taguig City Education Office chief, nasa 134, 415 students ang enrolled para sa School Year ‪2021-2022.

Ang mga nasabing estudyante ay makakatanggap ng mga supplies na binubuo ng bag, school uniform, PE uniform, raincoat, modules, supplies, emergency bag, at emergency kit.

Ito ay bukod pa sa tinatawag na coronavirus disease 2019 (Covid-19) kits.

Dagdag pa ni Tizon,makakatanggap din ng anti-Covid-19 kits at personal protection equipment (PPEs) ang nasa 5,000 na mga guro ng siyudad ng sa gayon protektado ang mga ito sa mga gagawin nilang ibat ibang educational-related tasks.

“Ngayon po for school year 2021 2022 we have a total of around 134,415 students who will receive all this complete sets of school supplies from head to toe together with the anti covid kits and for our teachers . We have 5,000 public school teachers who will also receive anti covid kits  and ppes to make sure that they are also protected while doing their tasks at school,” pahayag ni Dr. Tizon.

Paliwanag pa ni Tizon, kahit nasa distance learning pa ang mga bata, ang mga guro pa rin ang siyang responsable sa pamamahagi ng modules kaya mahalaga na may proteksiyon ang mga ito.

Dagdag pa ni Dr. Tizon, ang ginagamit ngayon ng mga estudyante sa online distance learning ay ang makabagong Learning Management System (LMS) na siyang magsisillbing online portal ng mga estudayante sa kanilang academic performance, evaluation results, at assignments.

Samantala, iniulat din ni Tizon na inaprubahan na ng Department of Education (DepEd) na isa ang Taguig sa mga pilot cities sa Metro Manila sa sandaling magsisimula na ang in-person learning sa National Capital Region.

Lalo na at ngayon at mahigit isang milyon ng residente ng siyudad ang nabakunahan na ng Covid-19 vaccine.

Nananatili ang Taguig na may pinaka mababang fatality rate sa buong NCR as of September 11.

” Sa Taguig nananatili kaming may pinakamababang case fatality rate sa buong Metro Manila at ang amin pong vaccination program ay lalong umiigting, nakapag vaccinate na po kami ng mahigit isang milyon sa aming target na population at ang Local Govt po ay naglaan ng isang bilyong pisong budget upang siguraduhin na ang lahat ng mamamayan kabilang po diyan yung mga estudyante namin ay magkakaroon ng makakatanggap ng kanilang libreng vaccine. Bilang paghahanda po at bilang paniniguro pagtitiyak sa kaligtasan ng aming mga kababayan sa Taguig,” dagdag pa ni Dr. Tizon.