Inilunsad ang isang education program para turuan ang mga overseas Filipino worker ng kaalaman sa pananalapi at pamumuhunan gayundin para maprotektahan sila mula sa investment fraud at scam.
Ito ay kasabay ng paglagda sa memorandum of understanding sa pagitan ng Department of Migrant Workers at Philippine Stocks Exchange (PSE).
Ilan pa sa mga layunin ng programa ay maturuan ang mga OFW kabilang ang mga bumalik na sa bansa ng fundamentals ng pamumuhunan sa stock market.
Gayundin, layunin ng programa na mabigyan ang mga OFW ng impormasyon at payo laban sa investment fraud at scams.
Ayon kay PSE president at chief executive officer Ramon Monzon, tanging nasa 56% lamang mula sa 1.7 million retail investor accounts sa stock market ay mula sa OFWs base sa datos noong 2022.
Pumalo naman sa all-time high na 2.33 million OFWs ang naitala noong 2023, tumaas ito mula sa 1.2 million noong 2022.