-- Advertisements --

Kumpiyansa si Education Secretary Sonny Angara na tataas din ang sahod ng mga public school teachers sa ilalim ng administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Angara, ito ay dahil kinikilala ng Punong Ehekutibo ang mga educators bilang sentro ng education system.

Ayon pa kay Angara, binanggit sa kaniya ng Pangulo na dapat alagaan ang mga guro at pakatutukan ang kanilang mga benepisyo.

Inihayag ni Angara na sa ngayon ang tanong kung magkano at kailan tataas ang sahod ng mga guro.

Hindi naman binanggit ng kalihim ang potential rate increase pero hindi P50,000.00 ang entry level ng mga public school teachers.

Inihayag ni Angara na balak ng Pangulong Marcos na bumuo ng bagong ranks para sa mga public school teachers para mapabilis ang promotion ng mga educators.