-- Advertisements --

Nag-udyok ngayon sa isang Education student na magsasagawa ng libreng klase matapos itong nilapitan ng isang bata at nakiusap na turuan ito ng leksyon ngayong nasa ilalim pa ng quarantine ang buong probinsiya ng Cebu at hindi pa nagbalik-pasukan.

Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Mark Taladro, tubong Malabuyoc Cebu sinabi nitong kahit high school ang major nito, pursigido pa rin itong ibahagi sa mga bata ang kanyang mga kaalaman at mga natutunan dahil para sa kanya ang ‘kabataan ang pag-asa sa ating bayan’.

Gaya ng normal na pasukan, sinimulan nila ito ng pagkanta sa pambansang awit ng Pilipinas, sinundan naman ng opening prayer, at pag-exercise.

Sa unang araw pa lang ng klasi, madami na ang kanilang naituro.

Nagsasanay sa numero, letra at pinagtrace ng lines ang mga may edad 2-4.

Pinasulat naman ng alphabet letters at numbers ang may edad 5-year-old habang nag matematika naman ang may edad 6-8 sa addition at multiplication.

Malaki pa ang pasalamat ngayon ng magulang ng mga ito sa kanyang kabutihang nagawa ngayong panahon ng pandemic.

Sa ngayon, hindi bababa sa 10 ang kanyang mga studyante at inaasahan namang madadagdagan pa sa mga darating na araw.