-- Advertisements --

Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) na muling nag-operate ang liquefied natural gas (LNG) terminal sa Batangas matapos ang isang linggong shutdown nito.

Sa ngayon, nakabalik na sa online ang dalawang power plant na may kabuuang kapasidad na 1,170 megawatts (MW).

Ayon sa DOE, nag-ooperate na ang mga pasilidad ng Linseed Field Corp. para maghatid ng natural gas na may kapasidad na 1,350 MW, na siyang nagbibigay ng matatag na suplay ng kuryente sa Luzon.

Gayunpaman, nakaranas naman ng aberya ang Excellent Energy Resources Inc. (EERI) at patuloy na naghihintay ng pagbabalik ng kanilang serbisyo na tinatayang nasa ng 500-kilovolt (kV) gas-insulated switchgear (GIS).

Ina-asahan naman ng South Premiere Power Corp. (SPPC) na matatapos ang grid synchronization sa loob ng isang araw.

Ang naturang shutdown ay bahagi lamang ng mga mechanical issues sa terminal, kabilang ang pagkumpleto ng unang onshore LNG storage tank ng Linseed, na inaasahang magiging operational sa katapusan ng Abril 2025.

Pinangunahan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang koordinasyon upang maiwasan ang posibleng pagkawala ng kuryente.

Dahil dito, iniulat ng DOE na walang yellow o red alerts na naitala sa nangyaring shutdown, alinsunod sa mga inaasahan ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP).

Nabatid na ang naturang pasilidad ay pag-aari ng mga malalaking kumpanya tulad ng Meralco PowerGen Corp. (MGen), San Miguel Global Power (SMGP), at Aboitiz Power Corp. (AboitizPower), na nagsanib-puwersa para magtayo ng integrated LNG facility sa Batangas.