Ipinaabot ngayon ni Liloan City Mayor Christina Garcia Frasco ang kanyang pagkumpirma na kanyang tinatanggap ang nominasyon sa kanya ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr. bilang susunod na Tourism secretary.
Kasabay nito, pinasalamatan din niya si Vice President-elect Sara Duterte sa pagbibigay umano ng kumpiyansa na tumayo siya bilang tagapagsalita.
Hiningi naman niya ang unawa ng kanyang mga constituents dahil sa mas malaking responsibilidad ang hahawakan na niya.
Meron pa sanang isang termino si Mayor Frasco matapos na manalo ito sa nakalipas na halalan.
Para sa kanyang bagong trabaho, binigyang diin ng alkalde na hindi na bago sa kanya ang promosyon ng turismo dahil ang lalawigan ng Cebu ay isang major tourism center at naging malaki ang hamon sa kanila upang ibangon mula sa matinding epekto ng pandemya.
Sa kanyang statement, nagpahapyaw din si Frasco sa kanyang mga balakin para sa pagpapaangat pa ng turismo sa Pilipinas.
“It is with profound gratitude and deep humility that I accept the offer of President-elect Bongbong Marcos to serve the Filipino people as the next Secretary of the Department of Tourism,” ani Mayor Frasco sa statement. “In Cebu where tourism is a major driver of our economy, I have seen firsthand the devastating effects of the pandemic and recent calamities, and the positive impact that effective tourism governance can have on the revival of the tourism industry.”