-- Advertisements --

Pinag-aaralan pa ng mga health experts sa Pilipinas ang mga datos hinggil sa rekomendasyon para sa booster shots laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, nakatakdang mapresenta ng kompletong ebidensiya ang mga eksperto hinggil sa effectiveness ng booster doses.

Ikinokonsidera aniya ang pagkakapantay pagdating sa bakuna dahil maaring mabalewala ang mga hindi pa nababakunahan sakaling irekomenda ang booster doses.

Nauna nang inihayag ng DOH na hindi pa inirerekomenda sa ngayon ng DOH ang paggamit ng booster shot sa bansa dahil sa limitadong datos.

Umapela naman si Vergeire sa publiko ng pakikiisa hanggang mabakunahan ang karamihan sa popolasyon ng bansa laban sa COVID-19.