Umaasa si Filipino sports legend Efren ‘Bata’ Reyes na mapapabilang ang billiard bilang Olympic sports.
Sa panayam sa tinaguriang ‘The Magician’, sinabi niyang matagal na niyang pangarap na mapabilang ang naturang laro sa pinakamalaking sports competition sa buong mundo.
Dati na rin aniyang nag-demonstrate ang mga billiards player noong dekada 90 upang maipasok sana ang naturang sports sa Olympics ngunit hindi aniya ito napagbigyan.
Ayon kay Reyes, nais din niyang irepresenta ang Pilipinas sa naturang sports kung papayagan itong maging isang Olympic event
Ayon kay Reyes, malaki ang potetial ng mga Pinoy Billiards player kung sakaling pagbibigyan ang kanilang kahilingan na gawin itong Olympic sports.
Sa kasalukuyan, maraming mga bagitong manlalarong Pinoy aniya na nagpapakita ng kagalingan sa paglalaro ng Billiard hindi lamang sa mga lokal na torneyo kundi maging sa iba pang mga international competition.