-- Advertisements --
Unti-unti nang hihina ang tropical depression Egay sa mga susunod na oras.
Ayon kay Pagasa forecaster Chris Perez, naapektuhan ito ng temperatura at ibang weather system sa Pacific Ocean.
Gayunman, magpapatuloy pa rin umano ang ulan dahil habagat naman ang pinagmumulan nito at hindi direktang mula sa bagyo.
Huling namataan ang TD Egay sa layong 195 km silangan hilagang silangan ng Aparri, Cagayan o 205 km silangan ng Calayan, Cagayan.
Halos wala naman itong gaanong pag-usad sa mga nakaraang oras, ngunit nananatili ang lakas ng hangin sa 45 kph at may pagbugsong 60 kph.
Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang tropical cyclone signal number one sa Batanes at Babuyan Group of Islands.