-- Advertisements --
Lumakas at naging isa na ngayong severe tropical storm si Egay at maaaring maging isang super typhoon sa Martes, ayon sa PAGASA.
Sa latest bulletin ngayong linggo, ayon sa state weather bureau, inaasahan na maging typhoon si Egay sa loob ng 24 oras.
Iniuugnay ng state weather bureau ang rapid intensification ni Egay sa “favorable atmospheric at oceanic conditions.
Gayunpaman, nakikitang hihina si Egay sa Miyerkules hanggang sa maabot nito ang Taiwan, at maaaring humina pa habang nakikipag-ugnayan ito sa self-governed island’s mountainous terrain. Inaasahang magpapatuloy ang paghina na ito hanggang sa muling maglandfall ang bagyo sa mainland China.