-- Advertisements --
Tinanggal na ang lahat ng tropical cyclone warning signals kaugnay ng bagyong Egay.
Ayon kay Pagasa forecaster Chris Perez, humina na kasi ang naturang bagyo at naging isang low pressure area (LPA) na lamang.
Huling namataan ang LPA sa layong 190 km silangan hilagang silangan ng Calayan, Cagayan.
Wala na itong direktang epekto sa alinmang parte ng kalupaan pero magpapaigting pa rin ito sa hanging habagat na magdadala ng ulan sa malaking parte ng Luzon at Visayas.