-- Advertisements --

Doble kayod ang Egypt at Qatar para masalba ang ceasefire at maiwasan ang pagtaas ng tensiyon sa pagitan ng Hamas at Israel.

Naghananap ang mga mediators ng solusyon para matiyak ang balanseng implementasyon ng kasunduan.

Nais din ng dalawang bansa na maiwasan ang anumang pagtaas ng tensyon.

Tuloy-tuloy din ang ginagawa nilang high level communications para maibalik ang kasunduan.

Magugunitang nagpasya ang Hamas na kanilang ititigil ang pagpapakawala ng mga bihag matapos na aksuhan ang Israel ng paglabag sa ceasefire deal ipinatupad noong Enero.

Nagbanta naman si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na magsasagawa sila ng matinding paglusob sa Gaza kapag hindi nagpakawala ng bihaga ang Hamas.