-- Advertisements --

CAIRO – Binuksan nang muli ng Egypt sa publiko ang dalawa sa pinakamatanda nilang pyramids na unang pagkakataon mula noong 1965.

Sinabi ni Antiquities Minister Khaled el-Anany, pinapahintulutan na ang mga turista na bumisita sa Bent Pyramid at ang satellite pyramid nito sa Dahshur royal necropolis, na bahagi ng UNESCO World Heritage Site na Memphis Necropolis.

Ang Bent Pyramid ay itinayo noong panahon ni Pharaoh Sneferu noong 2600 BC na saklaw ng panahon ng Old Kingdom.

Inanunsyo rin ni el-Anany na natuklasan ng mga Egyptian archaeologists ang koleksyon ng mga bato, luwad, at kahoy na sarchopagi sa nasabing area.

Aniya, nadiskubre rin ng mga archaeologists ang ilang funerary masks na gawa sa kahoy na kasama ng mga instrumentong ginagamit sa pagputol ng bato na tinatayang noong panahon pa ng Late Period (664-332 B.C.). (AP)