-- Advertisements --

Pinaigting naman ng Egypt ang presensya ng kanilang mga sundalo sa border nila ng Gaza.

Naglagay ang mga ito ng mga sasakyang pandigma bilang proteksyon na rin nila sa pinaigting na military operations ng Israel.

Nagpatupad din sila ng mga checkpoints sa border nila ng Rafah para hindi madamay ang kanilang mamamayan.

Magugunitang ang Rafah City ang siyang natitirang lugar sa Gaza na hindi pa nasaaskop ng Israel mula ng pinaigiting nila ang military operations laban sa mga Hamas.