-- Advertisements --

Nanawagan ngayon ang gobyerno ng Egypt na kanselahin ng auction house na Christie’s ang pagsubasta sa isang 3,000-year-old bust ni King Tutankhamun.

Sa pahayag ng Egyptian foreign ministry, posible raw na ninakaw ang nasabing bust sa isang templo noong dekada 70.

Ang nasabing 11-inch bust ay nakatakdang ibenta sa London at inaasahang kikita ng mahigit $5-milyon.

Giit naman ng Christie’s, hindi naman daw naghayag ng kanilanig reaksyon ang Egypt noon sa kabila ng kanilang pag-exhibit nang hayagan sa artifact.

Nanggaling ang brown quartzite relic sa isang private collection ng sinaunang obra na huling ibinenta ng Christie’s noong 2016.

“The object is not, and has not been, the subject of an investigation,” saad ng auction house sa isang pahayag.

Hindi rin daw nila kailanman isusubasta ang isang bagay na mayroong lehitimong concern.

Noong 1983 nang isabatas sa Egypt ang pagbabawal sa pag-alis ng mga artefacts mula sa kanilang bansa.

Batay sa kasaysayan, namatay si Tutankhamun 3,000 taon na ang nakalilipas sa edad na 19-anyos. (BBC)