-- Advertisements --

Pinayuhan ng gobyerno ng Egypt ang lahat ng airline companies nito na iwasan ang pagdaan sa airspace ng Iran.

Base sa Notice to Air Mission (NOTAM) notice na pinag-iingat lamang nila ang mga flights dahil sa patuloy na tensiyon na nararamdaman doon.

Dahil dito ay maraming mga airlines ang nagkansela ng schedules ng paglipad habang ang ilan ay inawasan na rin ang airspace ng Iran at Lebanon.

Una ng nagbabala ang ilang bansa sa kanilang mga mamamayan na agad na lumisan sa nasabing mga bansa dahil sa tensiyon.