Tinambakan ng Egypt ang Gilas Pilipinas 86-55 sa kanilang huling laro sa 2nd Dubai International Cup.
Ginamit ng Egyptian players ang kanilang laki at bilis kaya hindi nakalamang ni isang quarter ang Gilas.
Pinangunahan ni 7-foot-2 na si Omar Tarek ang Egypt habang si Ehab Amin Saleh ay siyng nagbuslo ng magkakasunod na three-points.
Nasayang naman ang nagawang 18 points ni Justine Brownlee kung saan siya lamang ang nagtamo ng double figures sa scoring.
Magugunitang tanging ang host country lamang na Qatar ang tinalo ng Gilas 74-71 sa unang laro nitong madaling araw ng Sabado dahil nitong madaling araw ng Linggo ay bigo ang national team ng bansa sa Lebanon.
Una ring sinabi ni Gilas coach Tim Cone na ang nasabing friendly games ay paghahanda nila sa last window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na gaganapin sa susunod na linggo kung saan makakaharap nila ang Taiwan at New Zealand.